Saturday, April 19, 2008

WHAT IS RHETORICS? ANU ANG RETORIKA?

WHAT IS RHETORICS?
ANU ANG RETORIKA?

A. INTRODUKSYON

ANG RETORIKA batay s binigay na depinisyon ng diksyunaryo, ay sining o agham ng paggamit ng salita sa mabisang paraan, pasalita man o pasulat. Sa ngayon, iyo’y sining o agham sa pagsulat ng kathang pampanitikan.

Sa tradisyunal na pagkilala sa sining na ito, karaniwang iniuugnay ang retorika sa sining ng pagbigkas at, samakatwid, ay kinakailangang masangkapan hindi lamang ng mga estil sa pananalita kundi maging sa paggamit ng jestyurs at galaw para maging epektibo at kaakit-akit sa mga taga-pakinig. Kaugnay nito, sinasabi nina William D. Halsey at Emmanuel Friedman (1979) na ang retorika ay isang verbal na agham at humahakdaw pa sa lojic at balarila. Sa pagbibigay-emfasis nito sa paggamit ng mga salita bilang epektibong sangkap, ang retorika ay nakatuon sa maaring magawa ng mga salita at hindi sa kinakailangang istraktura o ayos ng mga salita sa isang pahayag. Ang binibigyan-priyoriti sa retorika ay kalayaan sa pagpapahayag at hindi ang mga panuntunang ipinagbabawal ng lojic at balarila. Maaring sabihing sa retorika, ang mahalaga, unang-una ay ang epektibo at ang magandang pagapaphayag, bago pa ang lojic at balarila. Hindi sapat ang maging wasto lamang ang ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap. Kailangang mahigitan pa ang mga ito sa pamamagitan ng maganda at mabisang pagpapahayag na magagawa lamang ng isang malikhaing manunulat sapagkat siya’y may kakayahan sa paggamit ng mga salita bukod sa may kinalaman sa mga prinsipyo ng retorika at ng mga sangkap nito. Kaya hindi nga kataka-taka kung bakit ang mga nasa mass media ay mahuhusay; sa pamamgitan ng alam nilang mga sangkap ng retorika, namamanipuleyt nila ang isispan ng kanilang mga tagapakinig at mambabasa sa pamamagitan lamang ng paggamit nila ng mga salita. Sabi nga nina Halsey; “Tulad ng salapi at atomik enerji, ang mga salita ay magagamit sa mga layuning mabuti at masama.”


B. KALIKASAN NG RETORIKA

B.1 DEFINISYON NG RETORIKA

Ang retorika y singng ng mabisa at magandand pagpapahayag na sumasaklaw sa maraming sangkap na ,ay kaugnayan sa pagsusulat gaya ng pananalita, himig, struktura at kalinawan sa pagpapahayag.

Ayon naman kay Dr. jose Villa Panganiban, ang retorika ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa.

B.2 KASAYSAYAN NG RETORIKA

Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse, isang isla sa Sicily noong ika-limang siglo bago dumating si Kristo. Makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doo’y binigyang pagkaka dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen, Ang marunong na si Corax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento: ang proem o introdusyon; ang salaysay o kasaysayang historical; ang mga pangunahing argumento; mga karagdagang pahayag o kaugnay na argumento; at ang konklusyon.

Naibento nila nag retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga konkretong katibayan. Makikita agad natin dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga sophist (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika’y angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilag pagpapahalaga sa paksangipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470-399 B.C.) sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo at hindi sustansya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.

Kinikilalang pinakama-impluwensyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436-338 B.C.). Nagtatag siya ng sariling paaralang bagtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa historya at pilosopiya.

Sa Rhetoric ni Aristotle (384-322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat, binigyan ng parehas ng empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa formal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan ditto ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang idseya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na silobismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analodyi para sa pangangatwirang induktibo.

Si Cicero (106-43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap.

Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na nagging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Ano ang nangyari? Iniwan din ni Aristotle ang oratoryong deliberative o politikal na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Anong aksyon an gating gagawin? Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko. Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mga salita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng pauri. Ito ang tinatwag natin sa Ingles na declamation.

B.3 LAYUNIN NG RETORIKA

Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo’y makasulat nang mahusay. Kaya naman nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng isipang mapanuri, makabuo ng nmga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan. Kahit nabubuo lamang tayo ng mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri, pamanahong papel, mga panuto, paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto, kakailanganin ang kahusayan sa pagpapahayag.

Kungkumukuha man tayo ng kursong edukasyon, ekonomiks, inhinyera, malayang sining, batas, medisina, pangangalakal, kompyuter, hindi na anatin matatakasan ang pagsususlat sa panahon ng pag-aaral at pagkatapos pa rin, kung isa nanag ganap na propesyonal. Sa mga ganitong pagkakataon at kalagayan, kakailanganin natin ang mga teknik o sistema at ang mga simulain sa mahusay na pagsusulat.

B.4 SANGKAP NG RETORIKA

1. Ang kaisipang gustong ipahayag. ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag. may mahalaga tayong kaisipang nais ipahayag.

2. Ang pagbuo o organisasyon. ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad. ito ay kumakatawan sa kakayusan ng pagkakabuo.

3. Ang istilo ng pagpapahayag. ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang may kaugnayan sa istilo. ang anyo o kaayusang akda o komposisyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng pagpapahayag. hindi lamang sa kawastuan ng balarila kungdi maging sa panitikan.

B.5 UGANAYAN NG WIKA, KULTURA AT SOSYOLOHIYA

Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Magkakambal. Samakatwid, masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanaday ng edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung panrelihiyon, at ng mga paniniwala at perwishong pinagkalakhan.

Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong kakikinlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa labas, ang siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito—ng kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang kanyang kapagkahan, kung magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pang-kultura.

Ang malaking kaugnayan ng wika at sosyolohiya sa isa’t isa ay pinatutunayan ng sosyolinggwistika, isang sangay ng pag-aaral tungkol sa wika na itinuturing na bagong litaw sa panahong ito subalit kung tutuusi’y halos kasintanda na ng panahon. Ito’y buhat sa salitang “socius” at linggwistika. Ang socius ay salitang Latin na nangangahulugan ng interaksyon-pakikisalamuha, pakikibagay at pakikipamuhay ng tao sa kapwa tao. Ito ang bahaging tumutukoy sa kasangkapang ginagamit ng tao sa pagpapahayg ng kanyang iniisip at narararamdaman upang malaman ng iba kung ano ang mga ito. Isang uri ng pagpapahayag na gagamitan ng kombinasyon ng mga tunog na tinatawag na mga salita—salitang may kaugnay na sariling kahulugan, Kahulugang tinataglay ng salita bunga ng pagkakisa ng mga kailangang magkaintindihan.


PINAGMULAN:

LIKHA Sa Makabagong Henerasyon

nina:

ANTONIO, E.J

ANDRES, A.K

AMBROCIO, R.A

ARANZA, A

BAGADIONG, K

ng:

UNIVERSITY OF THE EAST

15 comments:

Jane Christian said...

THNX for the info classmate! im also in ue. im in caloocan. GODBLESS!

graxa said...

thank you so much for the info! whew! sa wakas i found it! :D

graxa said...

thank you so much for the info. whew! sa wakas I found it!

roma.roma.. said...

ayown!

thanks po ng marami..
ahehehe..

thanks ulet..

:-)

mhona is for LHENG! said...

salamat sayu ko lan pala makikita an lintik kon assignment wahahaha

Franco said...

Salamat :P

sonnetxviii said...
This comment has been removed by the author.
shiellamae_ said...

tnx po sa pagpapublish 2ngkol sa retorika nagawa ko po angf aking takdang aralin...

shiellamae_ said...

tnx po sa info about sa retorika.. nagawa ko na ang aking takdang aralin..

goerell said...

tnx po s lahat ng post....

goerell said...

tnx po s lahat....

inya-chan said...

Thank you ~ This is very helpful! :)

patricio said...

muchos gracias!!!

ClarisSe SeƱeres said...

:) meron po ba kayong infos about "paglaganap ng retorika" and Sophistry vs. retorika" ? Maraming salamat.

Saosin Owa said...

Asauce!! Sayo ko lang pala makikita toh. tsk. SALAMAt TY! :D