Saturday, April 19, 2008

PINAKAMAMAHAL

PINAKAMAMAHAL

Liriko ni Errol John Antonio

Sa Tono Ng "Nakapagtataka"

ng APO Hiking Society

Kutya’y hindi napansin at ito’y itinago

Ngunit hindi ito nagging isang hadlang

Sa halip pa ay nagsilbi ‘tong aral

Pinakamamahal, oh.

‘Nung aking nakita sa iyong mga mata

Sa akin ba ito’y nagging isang sumpa?

Sumpang sa dulo’y may kasamang pag-asa

Pinakamamahal, Pinakamamahal

Koro:

Wala ka bang napapansin?

Kaya nama’y nadadama?

Ang puso ko’y sumisigaw


Pag-ibig ba’y sadyang hibang?

Maswerte ako’y andyan sila

Mga kaibigang lagging tapat

Wala nang mahahanap pa!

Di an ako mangangamba.

Tunay bang walang hanggan, ang aking kasiyahan?

Sa piling ng mga kaibigan ko’y tapat

Kabaita’y nananaig ng pag-asa

Pinakamamahal, asaan ka na?

Ulitin Koro:


Maswerte ako’y andyan sila

Mga kaibigang lagging tapat

Wala nang mahahanap pa!

Di an ako mangangamba.

‘yong puso’y amg siyang kalayaan

Ba’t tayo’y bilanggo nang tunay?

Oh, oh.

ISANG MANIFESTO PARA SA KABATAANG PILIPINO

Ni Rene Angelo G. Ambrocio

Itinuturing ng mga pilipino ang pagkakaroon ng edukasyon bilang isang kayamanan, kayamanan na hindi mananakaw kailan man. kayamang ipagmamalaki at magiging susi para sa kinabukasan.

Sabi nga ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag asa ng bayan”, totoo ang sinabi ng ating pambasang bayani ngunit magiging mas epektibo ito kung ang kabataan ay may sapat na karunungan na makukuha lamang sa eskwekahan.

Kailangan mag-aral ang mga kabataan. Ito ang magdudulot sa atin para sa kinabukasan. Iwasan ang mga masasamang bisyo at lumakad sa ilaw ng pag aaral. Magsikap ng maigi hangga't maag pa, para sa huli hindi tayo magsisi. Mabuti ng ngayon tayo magsunog ng kilay kaysa bukas tayo ay nakatunganga.

Mag aral ng mabuti hangga't may panahon pa. Wag antayin ang bukas na dumating at tayo ay magsisi dahil pinapalampas natin ang pagkakataon para mag-aral. Ngayon, tayo ay may pagkakataon, minsan lang ito dadaan kaya hangga't maari ay huwag tayong mag-sawa sa pag-aaral dahil balang araw, ito ang ating magiging sandata para harapin ang bukas.

ISANG MANIFESTO HINGGIL SA KATOTOHANAN PARA

SA MGA KABATAAN

Ni Allen Kristoffer A. Andres

Nang isinilang tayo sa mundong ito, labis ang tuwa ng ating mga magulang. Halos buong panahon nila ay iginugol sa pag-aalaga sa atin. Noong tayo’y ipinagbubuntis pa lamang ay marami na agad pangarap ang mga ito sa atin. Isa na dito ang pagiging doktor, inhinyero at nars. Ang iba naman ay gusto tayo maging abogado.

Paano natin makakamit ang mga ito? Ano kaya ang mga dapat isaalang-alang at iwasan upang makamit ang mga ito?

Maraming mga kabataan ang nalululong sa masasamang bisyo. Dahil na rin dito kaya naiiba ang landas ng ilan. Sinong dapat sisihin? Ang magulang ba o tayo? Isang katotohanan na nakakapagbigay ligaya ang bisyo ngunit makakahadlang ito sa tagumpay kung magpapadala tayo dito. Ika nga nila, “Kabataan, Pag-asa ng Bayan!”. Paanong magiging pag-asa ang kabataan kung mismong tayo ay lulong sa masasamang bisyo?

Tayo na mga kapwa kabataan! Tayo na at patunayan natin na kabataan talaga ang pag-asa ng bayan!

PANAWAGAN: ISANG MANIFESTO HINGGIL SA PAGBABAGO

NG MGA KABATAAN

Ni Errol John M. Antonio

“Kabataan ang pag-asa ng bayan”, buhay pa ba ang kasabihang ito? Kabataan tayo nga ba ang pag-asa? Tayo nga ba? Tayong mga kabataan sa panahong ito ay may sapat na kakayahan upang maging pag-asa ng ating bayan, ngunit sadyang may mga humahadlang sa daan patungong pag-asa at isa rito ay ang ating mga bisyo.

Sadyang malikot ang ating mga isipan, kung anu-ano ang ating naiisip at karamihan sa mga ito ay nagiging bisyo. Dapat nga ba tayong umiwas sa mga bisyo? Lahat sa ating mga kabataan na may bisyo ay hindi na kinakailangang mag-dalawang isip ukol sa tanong na iyon. Alam na natin kung tayo’y hindi iiwas, ang ating buhay at kinabukasan ay masesentro sa mga ito. Mabubuhay tayo sa mga bisyong ating kinagawian.

Sa madaling salita, ang pagkakaroon ng bisyo ay maaaring hindi na maging kontrolado kinalaunan. Tayo ay daranas ng walang hanggang paghihirap sa malubhang karamdaman, ang kahihinatnan ay piitan, institusyon o maging kamatayan. Hindi ba marami nang pangyayari ang naganap at masama ang naging resulta nang dahil sa bisyo?, maaring pati ikaw ay naranasan na ang mga pangyayaring iyon.

Bakit nga bang kailangang umiwas? Hindi na pinag-iisipan pa ang tanong na iyan, tayo’y iiwas para sa ating kinabukasan. Hindi ba tayo naawa sa ating mga magulang na dugo’t pawis ang tiniis para lang tayo’y kanilang mapag-aral at ganito na lamang ba ang isusukli natin sa kanila? Kapag tayo’y hindi umiwas, sino ba anag kawawa? Hindi ba tayo!? Huwag nating hayaan mangibabaw ang kahihiyan sa ating mga kabataan. Oras na para umiwas, oras para magbago, oras sa panibagong kinabukasan.

KATOTOHANAN SA PAG-AARAL

Ni Victorino M. Aranza IV

Lahat ng tao ay nagnanais ng isang pamilyang may kumpletong miyembro na nagtutulungan sa oras ng kagipitan. Ngunit madaming problema ang kakaharapin mo upang magkaroon ka nito. Malaki ang responsibilidad mo sa magiging anak mo kapag bumuo ka na ng iyong pamilya. Isa na rito ang pagpapa-aral mo sa anak mo.

Bakit ba kailangan pang mag aral? Kailangan ba nating seryosohin ito? Malaki ang parte sa buhay ng isang tao ang pag aaral. Ito ang pundasyon ng isang tao sa pagtahak ng buhay. Masuwerte ka na kung makatapos ka ng hayskul. Alam mo ba na hanggang hayskul lang ang responsibilidad ng isang magulang para sayo. Kaya masuwerte ka kapatid dahil ngayon nasa kolehiyo ka.

Hindi biro ang mag-paaral sa kolehiyo sa panahong ito. Tignan na lang sa matrikula na binabayaran tuwing termino ng semestre. Halos kalahati ang diperensya ng presyo sa pag aaral sa hayskul. Hindi din biro ang mga akademikong kinukuha. Biruin mo ang paggugol mo ng isang taon sa hayskul ay tatapusin mo lang ng isang oras sa kolehiyo.

Magpasalamat ka kapatid sapagkat nasa antas ka ng mga masusuwerteng kabataan. Pasalamatan mo ang diyos at mga magulang mo. Wag mong ipagsawalang bahala ang oportunidad na makapag aral sa kolehiyo. Wag mong ubusin ang dugo at pawis ng magulang mo kung san saang bagay na hindi mo naman kinakailangan. Wag mong sayangin ang magandang bukas na naghihintay sayo kapatid at sa akin.

MANIFESTO HINGGIL SA PAGPAPAMULAT SA KATOTOHANAN

Ni Kenneth Q. Bagadiong

Napakadaming kabataan ngayon, lalo na at mga mag-aaral ang nalululong sa masasamang bisyo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit napakadaming napapariwara ang buhay. Hindi ba nila naiisip na ito ang magiging daan sa kasiraan ng dapat sana ay maayos nilang kinabukasan?

Talaga namang mahirap kumawala sa pangil ng masamang bisyo,lalo at ikaw ay lulong na dito ngunit hindi kailan man nawawalan ng paraan para mapigilan masakit mang isipin ay talagang damang dama na ang krisis pagdating sa ganitong usapin. Hindi malayo na sa susunod pang mga taon ay lalo pa itong lalala at magdudulot pa ng malaking pagkasirasa kinabukasan.

Bakit ko nasabi na masisira ang kinabukasan ng ating bansa kapag nalulon sa masamang bisyo ang karamihan sa mga kabataan, lalo na sa kapwa ko mag – aaral dahil ito sa kadahilanang “Ang kabataan ang natitirang pag asa ng ng ating bansa”. Kung mapapariwara pa ang buhay namen na sinasabing “natitirang pag asa ng bayan” anu kaya ang mangyayari sa ating bansa.

Naniniwala pa rin ako na ang bawat krisis na dumadating ay may katapusan.Ito ay maisasaaoys kung mismong mga kabataan, lalo na at yaong mag aaral na lulogn sa masamang bisyo ay matutunang tanggapin ang kanilang mga pagkakamali at buksan ang kalooban para sa pagbabago. Sa ganoong paraan ay tiyak maitutuwid ang mga pagkakamali at matitiyak ang kinabukasan ng bawat isa pati na rin ang bansa.

“NEGATIBONG POSITIBO”

Ma. Rowena Vhea L. Vizmanos

Alam naman natin lahat ng bagay sa mundo ay maraming negatibong naidudulot sa atin. Katulad ng computer,bisyo,at iba pa. Kung ang kahulugan lang ng bisyo ang tutukuyin natin, wala itong pwedeng maidulot sa ating maganda, pero kung susuriin mo ng mabuti at pag –aaralan makikita mo ang mga posibling magagandang bagay na maidulot nito sa atin.

Sa tingin ng mga nakakatanda, ang pagkakahilig ng mga kabataan ngayon sa kompyuter ay hindi ito nakakatuong sa pag-aaral ng mga kabataan. Dun sila nagkakamali. Ang kompyuter ay maraming naidudulot na maganda. Nakatutulong ito sa mga estudyante para mapadali ang kanilang paghahanap ng mga bagay bagay na kailangan sa paaralan, at hindi na nila kailangan pang pumunta sa iba’t ibang lugar para lamang maghanap. Kaya nga ginagamit na rin ito sa mga paaralan. Hindi lang ito para sa mga estudyante, para din ito sa mga kabataan ang mga nakatatanda pa, nakakatulong ito para lumawak ang kanilang kaisipan. Katulad ng mga taong naghahanap ng trabaho, sa mga kabataan ay mas lumalawak naman ang kanilang kaalaman. Ang kompyuter kasi ay maraming nilalaman, kung saan nakakatulong sa atin sa pang araw-araw na buhay. Pwede ditong maglagay ng mga komersyal kong saan mas madaling manghikayat ng mga tao.

Sa kalagayan natin ngayon mas masasabi ko na umuunlad an gating bansa dahil sa mga bagay na katulad nito.


PINAGMULAN:

LIKHA Sa Makabagong Henerasyon

nina:

ANTONIO, E.J

ANDRES, A.K

AMBROCIO, R.A

ARANZA, A

BAGADIONG, K

ng:

UNIVERSITY OF THE EAST

KAIBIGAN

Errol John M. Antonio


Kaibigan na tunay ay laging tapat

Hindi humihingi ng katapat,

Ang tulong ay libre sa lahat ng oras,

Saya man o lungkot ang dinaranas.

Kaibigang mabait at marangal,

Kaibigang minsa’y hindi umangal,

Sa lahat ng segundo’y maasahan

Sapagkat ika’y pinagkakatiwalaan.

Sila’y nandiyan kahit magtiis

Kapalit nito’y ngiting kay tamis,

Minsa’y kalungkutan ay napapawi

Sa katapatang hindi binabawi.

Kaibigang tapat, kaibigang lubos

Kayamanang kailanma’y hindi mauubos,

Kaibignag matalik, kaibigang tunay

Katapatan at pahammahal ang inialay.

WHAT IS RHETORICS? ANU ANG RETORIKA?

WHAT IS RHETORICS?
ANU ANG RETORIKA?

A. INTRODUKSYON

ANG RETORIKA batay s binigay na depinisyon ng diksyunaryo, ay sining o agham ng paggamit ng salita sa mabisang paraan, pasalita man o pasulat. Sa ngayon, iyo’y sining o agham sa pagsulat ng kathang pampanitikan.

Sa tradisyunal na pagkilala sa sining na ito, karaniwang iniuugnay ang retorika sa sining ng pagbigkas at, samakatwid, ay kinakailangang masangkapan hindi lamang ng mga estil sa pananalita kundi maging sa paggamit ng jestyurs at galaw para maging epektibo at kaakit-akit sa mga taga-pakinig. Kaugnay nito, sinasabi nina William D. Halsey at Emmanuel Friedman (1979) na ang retorika ay isang verbal na agham at humahakdaw pa sa lojic at balarila. Sa pagbibigay-emfasis nito sa paggamit ng mga salita bilang epektibong sangkap, ang retorika ay nakatuon sa maaring magawa ng mga salita at hindi sa kinakailangang istraktura o ayos ng mga salita sa isang pahayag. Ang binibigyan-priyoriti sa retorika ay kalayaan sa pagpapahayag at hindi ang mga panuntunang ipinagbabawal ng lojic at balarila. Maaring sabihing sa retorika, ang mahalaga, unang-una ay ang epektibo at ang magandang pagapaphayag, bago pa ang lojic at balarila. Hindi sapat ang maging wasto lamang ang ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap. Kailangang mahigitan pa ang mga ito sa pamamagitan ng maganda at mabisang pagpapahayag na magagawa lamang ng isang malikhaing manunulat sapagkat siya’y may kakayahan sa paggamit ng mga salita bukod sa may kinalaman sa mga prinsipyo ng retorika at ng mga sangkap nito. Kaya hindi nga kataka-taka kung bakit ang mga nasa mass media ay mahuhusay; sa pamamgitan ng alam nilang mga sangkap ng retorika, namamanipuleyt nila ang isispan ng kanilang mga tagapakinig at mambabasa sa pamamagitan lamang ng paggamit nila ng mga salita. Sabi nga nina Halsey; “Tulad ng salapi at atomik enerji, ang mga salita ay magagamit sa mga layuning mabuti at masama.”


B. KALIKASAN NG RETORIKA

B.1 DEFINISYON NG RETORIKA

Ang retorika y singng ng mabisa at magandand pagpapahayag na sumasaklaw sa maraming sangkap na ,ay kaugnayan sa pagsusulat gaya ng pananalita, himig, struktura at kalinawan sa pagpapahayag.

Ayon naman kay Dr. jose Villa Panganiban, ang retorika ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa.

B.2 KASAYSAYAN NG RETORIKA

Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse, isang isla sa Sicily noong ika-limang siglo bago dumating si Kristo. Makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doo’y binigyang pagkaka dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen, Ang marunong na si Corax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento: ang proem o introdusyon; ang salaysay o kasaysayang historical; ang mga pangunahing argumento; mga karagdagang pahayag o kaugnay na argumento; at ang konklusyon.

Naibento nila nag retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga konkretong katibayan. Makikita agad natin dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga sophist (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika’y angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilag pagpapahalaga sa paksangipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470-399 B.C.) sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo at hindi sustansya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.

Kinikilalang pinakama-impluwensyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436-338 B.C.). Nagtatag siya ng sariling paaralang bagtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa historya at pilosopiya.

Sa Rhetoric ni Aristotle (384-322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat, binigyan ng parehas ng empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa formal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan ditto ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang idseya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na silobismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analodyi para sa pangangatwirang induktibo.

Si Cicero (106-43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap.

Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na nagging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Ano ang nangyari? Iniwan din ni Aristotle ang oratoryong deliberative o politikal na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Anong aksyon an gating gagawin? Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko. Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mga salita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng pauri. Ito ang tinatwag natin sa Ingles na declamation.

B.3 LAYUNIN NG RETORIKA

Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo’y makasulat nang mahusay. Kaya naman nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng isipang mapanuri, makabuo ng nmga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan. Kahit nabubuo lamang tayo ng mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri, pamanahong papel, mga panuto, paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto, kakailanganin ang kahusayan sa pagpapahayag.

Kungkumukuha man tayo ng kursong edukasyon, ekonomiks, inhinyera, malayang sining, batas, medisina, pangangalakal, kompyuter, hindi na anatin matatakasan ang pagsususlat sa panahon ng pag-aaral at pagkatapos pa rin, kung isa nanag ganap na propesyonal. Sa mga ganitong pagkakataon at kalagayan, kakailanganin natin ang mga teknik o sistema at ang mga simulain sa mahusay na pagsusulat.

B.4 SANGKAP NG RETORIKA

1. Ang kaisipang gustong ipahayag. ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag. may mahalaga tayong kaisipang nais ipahayag.

2. Ang pagbuo o organisasyon. ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad. ito ay kumakatawan sa kakayusan ng pagkakabuo.

3. Ang istilo ng pagpapahayag. ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang may kaugnayan sa istilo. ang anyo o kaayusang akda o komposisyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng pagpapahayag. hindi lamang sa kawastuan ng balarila kungdi maging sa panitikan.

B.5 UGANAYAN NG WIKA, KULTURA AT SOSYOLOHIYA

Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Magkakambal. Samakatwid, masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanaday ng edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung panrelihiyon, at ng mga paniniwala at perwishong pinagkalakhan.

Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong kakikinlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa labas, ang siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito—ng kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang kanyang kapagkahan, kung magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pang-kultura.

Ang malaking kaugnayan ng wika at sosyolohiya sa isa’t isa ay pinatutunayan ng sosyolinggwistika, isang sangay ng pag-aaral tungkol sa wika na itinuturing na bagong litaw sa panahong ito subalit kung tutuusi’y halos kasintanda na ng panahon. Ito’y buhat sa salitang “socius” at linggwistika. Ang socius ay salitang Latin na nangangahulugan ng interaksyon-pakikisalamuha, pakikibagay at pakikipamuhay ng tao sa kapwa tao. Ito ang bahaging tumutukoy sa kasangkapang ginagamit ng tao sa pagpapahayg ng kanyang iniisip at narararamdaman upang malaman ng iba kung ano ang mga ito. Isang uri ng pagpapahayag na gagamitan ng kombinasyon ng mga tunog na tinatawag na mga salita—salitang may kaugnay na sariling kahulugan, Kahulugang tinataglay ng salita bunga ng pagkakisa ng mga kailangang magkaintindihan.


PINAGMULAN:

LIKHA Sa Makabagong Henerasyon

nina:

ANTONIO, E.J

ANDRES, A.K

AMBROCIO, R.A

ARANZA, A

BAGADIONG, K

ng:

UNIVERSITY OF THE EAST